Behind the scene.
Wala pang isang araw kaming wala pero magang maga na mata ko. Maga pa rin daliri at braso ko. :| Pero kahit na ganito, hindi pa rin ako susuko hangga’t hindi mismong buhay ko ang kabayaran kung bakit hindi na siya babalik.
Hindi na ba kita pwedeng masilip? Kaya blocked na ko. Hindi na ba kita pwdeng kamustahin? Kaya kinalimutan mo na ko. Alam ko masaya ka na kasi mula ngayon pagsisisihan kong hinayaan kitang mawala. Ayokong pumayag pero ikaw na yung gumawa. :’| Salamat sa totoong pagmamahal na naranasan nating dalawa. Wala nang mas hihigit pa sa ginawa kong pagmamahal sayo. Dahil hanggang ngayon alam ko sa sarili ko na kakayanin ko lahat kahit iniwan mo na ko. Hindi masaya, mahirap. Pero kailangan kong tanggapin dahil ito yung ginusto mo. Ayoko na magpumilit dahil alam kong hindi ka naman masaya sakin. At ramdam kong hindi na ko mahalaga sayo.
:|
Hello naman, napa’tumblr pa ko. Kasama ba to? :D Hehe. Pasensya naman bangenge lang. Gusto ko lang iexpress lahat lahat. Ang gara kasi eno? Hanggang ngaun maiisip mo pa kung paano kami nag’umpisa, pano kami naging masaya, paano namin binuo yung mga pangarap at pangako namin sa isa’t isa, tapos sa isang di pagkakaunawaan, nagsapakan, nagkasakitan, sigawan, bangayan. Pero anong magagawa ko diba? Kung yun inasahan kong makakasama ko hanggang sa huli eh mas sumaya pala nang mawala ako? Di rin natin masasabi, ganyan kasi ang buhay. Magbabago at magbabago din. Ang alam ko lang, hindi ko na kailangan syang ipaglaban. Bakit? Kasi sya na mismo yung sumuko sakin. Alam kong hindi na nya ko mahal dahil ganun na lng nya ko iniwan. Hindi ko na rin sya kailangan pahalagahan, kahit na sobrang mahalaga pa sya sakin. Hindi na pwede, dahil alam ko hindi na nya ko kayang mahalin, hindi na nya ko gustong makasama. Ok lang, kung yun talaga eh. Kahit masakit, kahit mahirap. Kahit na hindi nya nakikitang mahal na mahal ko pa rin sya katulad dati. Yung mga nangyari? Wala yun, kahit ilang beses pa nya kong sakalin, sampalin, itulak palayo. Kahit na maraming nagsabi na nagpakatanga ko, nagpakagago. Ayos lang, pinili kita. Kaya kitang ipagmalaki. Kaya lang wala na, wala na lahat ng samin. Tanging magagawa ko lang eh tanggapin. Isipin na hindi ko sya nakilala.
Alam ko wala na kong magagawa, yung dating pwede ko pa syang suyuin, hindi na. Dahil alam kong wala na, sya na mismo nagsabi na hindi na nya hahayaan na bumalik sya sakin at makabalik ako sakanya. Sakit no? Aminado naman akong hindi ko kakayanin, gusto ko lang maging malakas. Ayoko ipakita sa madla na unti’unti akong nadudurog dahil alam kong mas masaya syang malaman yun.
Magkakaayos pa ba kami? Magiging kami pa kaya? Mababalik kaya namin lahat? HINDI NA. Kasi masaya na sya, kasi ayaw na nya. Yun lang yun. Hindi pa rin pala totoo na basta isa sa inyo may natitira pang pagmamahal, eh magiging maayos. Malas ko lang dahil mahal na mahal kita at masaya ko sayo.
Ayoko na masyadong mag’isip, alam ko namang talagang wala na. Ang kulit lang kasi gustong gusto kitang ibalik at bumalik pero nandun yung katotohanang hindi na pwede. Expected ko naman to eh, dahil sa mga ipinakita nya nitong huli. Nagbago na sya sakin, hindi na nya ipinaramdam na masaya pa sya sakin. Tanga ko lng bakit ako umasa sa mga sinabi nya. Bakit ako nagplano na kami hanggang sa huli? Para saan yung tanong nya na sya na ba talaga? Kung hindi naman pala ako talaga. Bakit pa nya kailangan sabhin na mahal nya ko? Kung hindi pala totoo. Bakit nya kailangan isuot yung tshirt hanggang sa huling araw namin? Hndi naman pala totoo yung nakasulat. Haaaaaaaaay, buhay nga naman. Kapag nagmahal ka ng totoo, iiwan ka. Ikaw lang matitira.
Kailangan kong tanggapin, kailangan kong magising bawat araw kahit wala ka na. Isa lang ang totoo sa lahat, Mahal na Mahal pa rin kita. Hindi na magbabago yun. Sana maging masaya ka sa pinili mo. Sana mas maging ok na sayo ang buhay. Basta masaya ka, kaya kong pilitin maging masaya. Di ko lang alam kung paano simulan, at paano gawin. Kung kailangan lumayo para hindi mo na masabing naawa ka sakin, sige. Kahit mag’isa lang ako. Ii-iyak ko lang naman to eh. May bago pa ba? :’(
Salamat sa lahat lahat. Kahit na hindi mo tinupad lahat ng pangako mo, masaya na kong masabi sa sarili ko na kahit minsan naramdaman kong minahal mo ko at naging masaya ka din sakin. Akala ko nga lang hanggang huli na to. :’( Sorry kung pisikal kitang nasaktan, kung napagbuhatan kita ng kamay, kung nasaktan ka sa mga sinabi ko. Isa lang naman kasi gusto ko eh. Wag mo kong iwan, pero andito na. Ako na lang mag’isa.
Bhie hindi ko makakalimutan lahat. :’( Marami akong gustong sabihin sayo pero alam kong hindi ka na papayag. Basta sana maging masaya ka. Yun lang ok na ko. Kahit mahirap at masakit. Basta ikaw walang problema, kakayanin ko lahat. Pangako ko sayo yun diba? Kahit anung mangyari. Mahal na mahal kita. </3 :’(
Iloveyou, bye.
